top of page

Sanaysay: Kamalayan ukol sa SONA | By Jhanellah Basinal

  • Writer: Neil Riego
    Neil Riego
  • Mar 19, 2018
  • 1 min read

Ano nga ba ang SONA? Ito ang tinatawag 

natin na State of the Nation Address. Ito ay napakahalagang gampanin ng isang nailahal na pangulo ng ating bansa na kung saan nagkakaroon siya ng taunang talumpati at ito ang nagiging daan upang maipahayag niya sa kaniyang bayan kung ano ang estadong pang-ekonomikal, pulitikal o pang-sosyal sa kaniyang pinamumunuan na bansa at maaari rin na maipahayag niya dito ang mga problema o suliranin at kung paano niya ito masosolusyunan. Napakahalaga ng SONA hindi lamang upang maibahagi ng ating presidente ang mga magaganda niyang proyekto kundi upang mahusgahan natin siya kung naisasagawa niya ng maayos ang mga ipinangako niya sa kaniyang mamamayan at bansa. Dito natin makikita kung may pag-usad ba talagang nangyayari sa ating bayan o wala. Ito rin ang nagiging tulay upang tayo’y mamulat sa totoong nangyayari sa ating paligid. Kaya ang masasabi ko lamang ay ito’y napakahalaga sa isang bansa dahil nagkakaroon tayo ng kamalayan hindi lamang sa ating sarili kung hindi pati na rin sa ating kapwa at kapaligiran. Ang kamalayan na ito ay napakahalaga upang hindi lamang ang pangulo ang kumilos upang mapaunlad ang ating bansa kung hindi pati na rin ang kaniyang mga mamamayanang Pilipino. 


 
 
 

Comments


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

JJINX@YS started last 25th of February in the year 2018, it's name is from each of the team members name which are Jhanryme, Jhanellah, Iani, Neil, Xena, Yves and Sotta. JJINX@YS can also mean JJINX at your service.

ABOUT US

minimal title

bottom of page